Naranasan mo na bang makasama ang buong pamilya sa harap ng hapagkainan? Ako, naranasan ko na, at para sa akin, ito ang tunay na kaligayahang nais kong maranasan muli. Sa tuwing sama-sama kaming kumakain, nakakaramdam ako ng gaan sa aking kalooban. Ang saya at pagmamahal na hatid ng ganitong pagkakataon ay hindi matutumbasan ng anumang bagay.
Isang beses, kumain kami sa isang restaurant nang magkakasama, at lubos ang kasiyahan ko dahil matagal ko nang hindi nakitang masaya si Papa. Nakangiti siya habang kumpleto kaming sabay-sabay na kumakain. Hindi ko maiwasang matuwa dahil parang nawala ang lahat ng alalahanin ko sa buhay. Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa bilihan ng mga matatamis na pagkain, tulad ng ice cream na paborito nina Mama at Papa. Kahit masakit ang ngipin ko noong araw na iyon, nagpabili pa rin ako ng ice cream dahil gusto kong samahan sila. Dito ko napagtanto na kahit may nararamdaman akong sakit, pipiliin ko pa ring magkasama kami sa ganitong simpleng kaligayahan.
Masasabi kong ito ang tunay kong kaligayahan: ang pamilyang laging magkakasama, sa hirap man o sa ginhawa. Alam kong habang nandiyan pa sila, dapat kong pahalagahan ang bawat sandaling magkakasama kami. Kaya habang kapiling mo pa ang iyong pamilya, maging masaya ka at i-enjoy ang bawat minutong kasama mo sila.
No comments:
Post a Comment